
this is a letter i wrote last September 2004 for a dear friend whom i lost contact with...anyone who comes across this who knows a certain Ian Tupas ...kindly let him know...ü thanks in advanced! Half Ian … ilang taon na rin ang nakalilipas mula nang huli tayong nagkita at nagkausap. Kumusta ang buhay? Ano na ang iyong mga pinagkakaabalahan? Huling balita ko tungkol sa’yo ay tumigil ka na raw sa pag-aaral subalit hindi ka naman umuwi sa inyo sa Leyte.
Alam mo, walang buwan ang nagdaan na hindi kita naisip --- kung saan ka na, kumusta na, ano na ang lagay mo --- at sa kadahilanang wala namang sinuman sa mga nakakausap ko ang nakapagsasabi ng kahit isa man lamang na sagot sa aking mga katanungan ukol sa’yo, ako’y nalulungkot. Naiisip ko tuloy yung mga araw na nasa Kalayaan pa tayo…
Napakasimple lamang ng buhay noon subalit pilit nating ginagawang komplikado nang dahil lamang sa hindi pagpansin sa atin ng taong ating minamahal. Pakiramdam ba natin na wala nang mas masahol pa sa dinaranas nating paghihirap ng kalooban. Pero alam mo, ngayon, ‘pag naaalala ko ‘yung kadramahan ko na ‘never ako’ng mapapansin ni Buddy’ na isa sa mga nagpagulo sa konsentrasyon ko sa pag-aaral, natatawa ako’ng naiinis. Biruin mo, iyon lamang ang itinuturing ko’ng pinakamabigat kong problema noon! E ngayon, sisiw lang pala yon kumpara sa mga tunay na suliranin ng buhay! At ngayon, walang kaindi-indikasyon na may isang Ryan na pumasok at nagpayanig sa mundo ko noon. Naaalala ko siya, oo. Siyempre naman. ‘Wag mong sabihing ni minsan ay hindi mo naiisip si MK Guen. At hindi ako maniniwala.
Half, ang hirap pala ng buhay. Ang hirap maging laging masaya. Maya’t maya, may problemang nagsusumiksik at nagpupumilit na harapin mo. Isa lang ang inaasam ko, na sa pagsulat kong ito sa’yo, sana ay hindi tulad ng inirereklamo ko ang kasalukuyang katayuan mo. Sana, masaya ka at wala gaanong problemang kinakaharap. Maging totoo lamang ang wish ko, masayang-masaya na ako.
Stay happy, half! At sana, paminsan-minsan, ‘di mo man ako masulatan, maisip mo lang ako at makapagdala iyon ng ngiti sa iyong mga labi, sapat na.
Mananatiling iyo, Half
<< Home